“MY MOM DOESN’T LIKE HIM FOR ME”
- Breakup Moveon
- Jul 17, 2016
- 1 min read

“MY MOM DOESN’T LIKE HIM FOR ME”
Dear Move On 101,
I have a huge problem. Ipinakilala ko ang bago kong boyfriend na si David sa parents ko last week and instantly my mom hated him. Walang ginagawang masama si David pero sadly, di talaga sya pasado sa interview ni Mommy. Wala raw itong ambisyon sa buhay dahil puro pagbabanda ang inaatupag (he's his band's vocalist) at sa kanyang mga galaw, obvious daw na tamad.
Unfortunately, my mom is always right. Di ako nakinig sa warning nya sa ex-boyfriend ko na babaero and she turned out to be absolutely right. Suddenly nakikita ko na ang dahilan ng concerns ni Mommy kay David pero gusto ko pa ring bigyan ng chance ang relasyon namin. Alam kong magbabago pa sya for me.
Kinausap ko si David kung ano ang gusto nyang mangyari sa future nya. Talagang wala syang ibang iniisip kundi ang music nya. Doon na ako kinabahan. Baka nga tama talaga si Mommy.
I want to leave David and listen to my mom pero ang hirap. What should I do?
--Yeng #MoveOn101
Комментарии