"STATUS: IT'S COMPLICATED"
- Breakup Moveon
- Jul 15, 2016
- 1 min read

"STATUS: IT'S COMPLICATED"
Dear Move On 101,
Mahirap ipaliwanag ang kalagayan ko ngayon. Tatlong buwan na kaming break ni Joseph. Nakipagbreak sya sa akin dahil sa tingin nya ay unfair daw sa kanya na priority nya ngayon ang kanyang work. He's a sales executive at madalas ay nasa kalsada sya kaya sa loob ng halos dalawang taong kami, mabibilang ko lang kung ilang araw talaga kaming nagkasama.
Akala ko tapos na kami. Handa na akong mag-move on pero patuloy pa rin syang tumatawag sa akin, nangungumusta at nagsasabing mahal nya ako at mahalaga ako sa kanya. Alam nyang may mga ini-entertain na akong manliligaw pero OK lang sa kanya. Malaya rin syang nakikipag-date sa ibang babae at madalas sinasabi pa nya sa akin kung sino at paano nya nakilala.
Nagsabi na ako sa kanya na tapos na kami at dapat wala nang sabihan ng "I love you" dahil nagiging hadlang ito sa aming pagli-let go sa isa't isa. Ayaw nya. Hayaan ko raw na mahalin nya ako kahit from a distance. Ayaw rin nya akong balikan. Tama na raw na di kami.
Mahal ko pa si Joseph pero wala nang patutunguhan ang aming nararamdaman. Naging sobrang complicated na. Naguguluhan na ako.
--Kit #MoveOn101
Comments