“I FELL IN LOVE WITH MY BESTFRIEND"
- Breakup Moveon
- Jul 12, 2016
- 2 min read

“I FELL IN LOVE WITH MY BESTFRIEND"
Dear Move On 101,
Matagal ko nang itinatago ang nararamdaman ko para sa best friend kong si Marc. Four years ko syang kasama sa dorm noong college nang maging close talaga kami. We share the same trips--movies, food, books, at taste sa mga damit. Even the kind of girls that we date ay parehong-pareho.
Noong April, bago maggraduation, nagbonding kami dahil for the first time in four years, matagal-tagal kaming maghihiwalay. Pupunta sya ng Canada to visit his family at six months syang mawawala. Gabi-gabi kami halos nag-iinom and in one of those nights, may nangyari sa amin. Pareho kaming lasing pero alam kong alam namin pareho ang aming ginagawa. Nang gumising kami that morning, bumangon sya at nagprepare ng breakfast at nag-usap kami na para bang walang nangyari. Wala sa aming naglakas loob na i-discuss ang namagitan sa amin that night. Back to normal lang kumbaga.
Nasa Vancouver na si Marc ngayon at araw-araw kaming nagcha-chat sa Facebook. Ramdam kong miss na nya ako at ganun din naman ang nararamdaman ko para sa kanya. Sa bugso ng damdamin ko, inamin ko sa kanyang kagabi that I think I am gay and I am in love with him, my best friend. Natawa sya noong una, tila nagulat. Pero di ko inexpect ang sagot nya. Mahal din nya raw ako bilang matalik na kaibigan, bilang kapatid. Kung anuman ang nangyari sa amin ay normal na pinagdadaanan lang daw yun ng mga lalaki. He's straight and he'll accept me for who I am pero malabong maging kami.
I have never cried so much in my life. I thought the feeling is mutual. That's what he made me feel all these months pero mukhang mali ang assumptions ko. I fell in love with my bestfriend and I think he's also my first major heartbreak...
--Paul #MoveOn101
Коментарі