“HULING PATAK NG LUHA”
- Breakup Moveon
- Jul 12, 2016
- 1 min read

“HULING PATAK NG LUHA”
Dear Move On 101,
Nang unang beses kong makilala si Ben, alam kong sya na ang lalaking mamahalin ko habang-buhay. Love at first sight talaga ako sa kanya. Di man sya kagwapohan pero mayroong di maipagkakailang chemistry sa pagitan namin.
Kaya kahit na binalaan ako ng mga barkada ko na may topak si Ben, di ako nagpaawat. Agad ko syang sinagot nang tanungin nya ako kung kami na.
Di umabot ng linggo ang saya ng aming relasyon. Literal palang may mental condition si Ben. Isa syang bipolar at may tendency syang maging sobrang seloso at paranoid sa kahit anong bagay. Nagiging sanhi ng away namin kung ano ang suot ko at kung bakit di ako agad na kakasagot sa mga tawag nya (he calls me in the middle of work kaya ako laging napapagalitan ng boss ko). Worse, nasisigawan nya ako in public at ilang beses nang napagbuhatan ng kamay.
Mahal na mahal ko si Ben pero di ko talaga kinakaya ang ugali nya. I told him to seek medical help pero ayaw nya. Wag ko raw syang pagdududahang nababaliw na. Iniiyak ko na lamang ang lahat ng sakit na nararanasan ko. Ilang buwan kong nilamon ang pride ko para ipaglaban ang aming relasyon.
Subalit malapit nang maubos ang mga luha ko. Di ko na talaga kaya. I gave myself an ultimatum. Kung di pa magpapatingin si doctor si Ben ngayong buwan, senyales na ito na wala nang pag-asa ang aming relasyon. I have to let him go kahit na masakit...
--Danna #MoveOn101
Comments