top of page
Search

"CONFESSIONS OF A MISTRESS"

  • Writer: Breakup Moveon
    Breakup Moveon
  • Jul 9, 2016
  • 2 min read

"CONFESSIONS OF A MISTRESS"

Dear Move On 101,

Tawagin mo na lang ako sa pangalang Veronica, isang call center agent at tatlong taon nang mistress. Kasamahan ko sa trabaho ang aking boyfriend na si Jay. May asawa sya at dalawang anak.

Di ko inaasahang magiging kami ni Jay. Di sya pogi pero meron syang sex appeal na nang una'y di ko napansin. Hanggang sa naging breakfast buddy ko sya bago umuwi, doon ko lamang na-realize na mahal ko na sya. Pagkatapos ng paulit-ulit na nangyari sa amin, we decided to be in a secret affair. Madali sa aming magsama dahil nasa Batangas ang pamilya nya at nakatira lamang sya sa isang dormitory malapit sa office. Ang sabi nya noon, malapit na silang maghiwalay ng misis nya dahil palagi silang nag-aaway.

Mahal na mahal ko na si Jay. Open kami sa aming relasyon sa ilang kasamahan sa office. Nagiging sanhi ito ng tuksuhan at chismis. Hanggang ngayon, walang kaalam-alam ang pamilya nya sa aming kalokohan.

Pinilit kong iwasang tingnang ang Facebook account ng asawa ni Jay dahil ayokong tamaan ng guilt. Pero out of nowhere, nag-friend request ito sa akin. Nacurious ako at nagbrowse ako sa mga pictures ng kanyang account. Nakita ko ang mga anak nila at kung gaano sila kasayang magkasama. Malayo sa sinasabi ni Jay na tagilid na ang kamilang relasyon. Umiyak ako at narealize ko kung gaano ako kasamang tao. Malalim ang pagmamahal ko kay Jay subalit di kinaya ng konsyensya ang lahat.

Gusto ko nang makipaghiwalay kay Jay subalit paano? Nakatira sya sa bahay ko at magkasama kami sa trabaho limang araw sa isang linggo. Anong dapat kong gawin?

--Veronica ‪#‎MoveOn101‬

 
 
 

Comments


Recent Posts
Blog Posts
Archive
Search By Tags
Follow Us
  • Facebook - Black Circle
  • Twitter - Black Circle
  • Instagram - Black Circle

Join our mailing list

Never miss an update

bottom of page