top of page
Search

“KUNG ALAM LANG NYANG MAHAL KO SYA”

  • Writer: Breakup Moveon
    Breakup Moveon
  • Jul 7, 2016
  • 1 min read

“KUNG ALAM LANG NYANG MAHAL KO SYA”

Dear Move On 101,

Di ko alam ko paano sisimulan ang kwento ko sapagkat wala namang relasyong naganap. Ang lalaking sanhi ng aking kalungkutan ay si Kean, ang boyfriend ng bestfriend ko...

Bata pa lang kami at crush ko na si Kean pero parang di nya ako nakikita. Nagkaroon lamang ako ng halaga sa kanya nang malaman nyang bestfriend ko si Cecille at nagpatulong sya sa akin para manligaw. Ang sakit pala sa kalooban na nakikita mo ang taong espesyal sa iyo na harapang nagmamahal ng iba.

Away-bati si Kean at Cecille, at sa tuwing nangyayari ito, sa akin lumalapit si Kean. Durog na durog ang puso ko nang minsang lasing syang pumunta ng bahay para ikwento ang problema nila. Niyakap nya ako habang umiiyak. Gusto kong sabihin sa kanya na iwan na nya si Cecille dahil di sya talaga nito mahal pero itinikom ko na lamang ang bibig ko at sinabayan sya ng iyak.

Ngayon, di na masaya si Kean kay Cecille pero patuloy nya itong ipinaglalaban. Gusto kong lumayo sa kanya, wag sagutin ang mga tawag nya dahil sa bawat pagkakataon ay nasasaktan ako. Ilang beses ko nang gustong aminin kay Kean na mahal ko sya pero alam kong matalik na kaibigan lamang ang turing nya sa akin.

Hanggang ngayon ay NBSB pa ako. Naghihintay sa taong makatingin parati sa kalayuan...

--Lorna ‪#‎MoveOn101‬

 
 
 

Commentaires


Recent Posts
Blog Posts
Archive
Search By Tags
Follow Us
  • Facebook - Black Circle
  • Twitter - Black Circle
  • Instagram - Black Circle

Join our mailing list

Never miss an update

bottom of page