"I RUINED HIS LIFE"
- Breakup Moveon
- Jul 5, 2016
- 1 min read

"I RUINED HIS LIFE"
Dear Move On 101,
Bata pa kami ni Phil nang magpakasal. Nabuntis nya ako at di planado ang lahat. At dahil sa takot ko sa mga istrikto kong magulang, pinilit ko syang magtanan kami at magpakasal. Ayaw nya dahil gusto pa nyang magtapos ng kolehiyo subalit nagmatigas akong magsama na kami.
Natigil si Phil sa pag-aaral at napilitang magtrabaho. Dahil undergrad, kahit pa class valedictorian sya nung high school at naging scholar sa isang respetadong university, wala syang matinong trabahong mapasukan.
Ten years after, nakikita nya isa-isa ang mga kaibigan nyang successful sa buhay samantalang kami ay nananatiling isang kahig, isang tuka. Clerk sa isang opisina si Phil at ang boss nya ay ang isa nyang kabarkada noong college. Sampal ito sa kanyang pride pero tinanggap nya para makaraos kami sa buhay.
Araw-araw ay ipinararamdam ni Phil ang bigat ng buhay namin. Sinisisi nya ako sa naging kinabukasan ng aming pamilya. Gusto nyang makipaghiwalay sa akin at bumalik sa kolehiyo at wala na raw syang narararamdamang pagmamahal sa akin. Napakasakit sapagkat di lang naman nya kinabukasan ang nasira dahil sa aming mga pagkakamali. Maging ako ay wala ring napuntahan sa buhay.
Tama bang palayain ko sya at bahala na ang kinabukasang maghusga kung mabubuo pa ang aming pamilya?
--Nena #MoveOn101
Comments