”I CAN’T UNDERSTAND HER MOOD”
- Breakup Moveon
- Jul 3, 2016
- 2 min read

”I CAN’T UNDERSTAND HER MOOD”
Dear Move On 101,
Lumaki ako sa isang all-male family. Bunso ako sa apat na magkakapatid na puro lalaki at nag-aral sa isang all-boys school. Bata pa lamang ako nang mamatay ang aking ina kaya maliban sa mga teachers kong babae at ilang kapitbahay at nakakatandang kamag-anak, wala akong masyadong interaksyon sa mga babae.
Si Marge ang unang babae sa buhay ko. Nakilala ko sya last school year nang pumasok sa ng kolehiyo. Di ko alam kung paano manligaw pero dahil sa pareho naman naming gusto ang isa't isa, naging kami sa loob lamang ng dalawang buwan.
Kinalaunan, doon ko na nakilala ang tunay na ugali ni Marge. Di ko sya ma-spelling most of the time. Napaka-moody at biglaan na lang magagalit nang walang dahilan. Kapag tinatanong ko sya kung bakit, wala naman syang malinaw na paliwanag.
Finally, di ko na napigilan ang sarili kong magalit sa kanya. Dalawang oras syang late sa date namin at dumating syang wala man lang paliwanag kung saan sya galing. Ang masama, sya pa ang galit. Kalmado kong tinanong kung may poblema sya subalit nagkunwari syang walang narinig.
I told her na mag-cool off muna kami para mapag-isipan nyang mabuti kung dapat pa nga ba naming ipagpatuloy ang aming relasyon. Ikinagalit nya ito. Inaway nya ako at sinabihang napaka-insensitive kong tao at tuluyan na syang nakipaghiwalay.
Hanggang ngayon, pinipilit ko syang suyuin subalit tila nakasara na ang puso nya sa akin.
Sana'y matulungan ako ng mga readers ng Move On 101 na maunawaan ng GF ko. Kailangan ko rin sana ang advise nyo kung dapat ko pa ba syang balikan o mas makabubuti nang umiwas na lamang ako at mag-move on.
--Wally #MoveOn101
Comments