top of page
Search

”HIS DYING WISH”

  • Writer: Breakup Moveon
    Breakup Moveon
  • Jul 2, 2016
  • 2 min read

”HIS DYING WISH”

Dear Move On 101,

Mark and I have been together for over five years. I would say we are a happy couple. Wala kaming major na away maliban na lang sa kunting tampohan kapag di sya nakakapagtext bago matulog o kaya nali-late kapag lumalabas kami. He's also a career-oriented person. Being the breadwinner sa family nila, umiikot sa pamilya nya at sa akin ang buhay nya.

Nakaramdam ako ng pagbabago sa kanya mid-last year. Naging mainitin ang ulo nya at lagi nya akong napagbubuntunan ng galit. Nakita ko rin ang biglaang pagpayat nya at para may mabigat syang problemang dinadala. Each time I asked him, sabi nya wala lang, stressed ang daw sya sa trabaho dahil sa bagong boss nya.

Maging distant na sya sa akin at after New Year, nakipagbreak sya sa akin. He confessed that he met another girl and he cheated with me. Gusto na raw nyang pakasalan ang babae. Sinampal ko si Mark at pinagbitawan ng masasakit na salita. Umiiyak sya at humingi ng tawad subalit buo na raw ang pasya nyang magpakasal.

Di na kami nag-usap ni Mark after that. I consciously shut off my life sa kanya. Nabalitaan kong he resigned from work at bumalik sa province. No updates na sa kanyang Facebook kaya inisip ko na lang na siguro he just respected my feelings.

Last week na lang ako muling may narinig tungkol kay Mark. His mom texted me out of nowhere and asked if she can meet me. Hesitantly, I agreed since parang pamilya naman na ang trato ko sa kanya. She broke the news that shattered me. Mark is now dead. He had brain cancer and he only found out about it late last year. Ayaw daw nya akong mag-alala and go see him suffer so he decided to lie to me na magpapakasal sya sa iba para iwan ko sya. Aling Cecille gave me a handwritten letter of Mark asking forgiveness. He said:

"Hon, mas gusto kong magalit ka sa akin kaysa makita kitang nasasaktan at naaawa sa kalagayan ko. Mahal kita at ayokong isama ka sa paghihirap ko sa huling sandali ng buhay ko. Mas magiging mahirap iwanan ang mundo kapag palagi kitang makikita. Ikaw ang kahulugan at dahilan ng buhay ko..."

Di ko pa rin sya maintindihan hanggang ngayon. Mas gusto ko sanang katabi nya ako hanggang sa huling sandali ng buhay nya. Mas gusto kong alagaan sa kanya at ipakita kung gaano ko sya kamahal...

Mark, alam kong nasa langit ka na ngayon. Balang-araw magkikita tayong muli. Lagi mong tandaan na mahal na mahal kita...

--Kate ‪#‎MoveOn101‬

 
 
 

Comentários


Recent Posts
Blog Posts
Archive
Search By Tags
Follow Us
  • Facebook - Black Circle
  • Twitter - Black Circle
  • Instagram - Black Circle

Join our mailing list

Never miss an update

bottom of page