top of page
Search

”MY HUSBAND IS SEXTING OTHER GIRLS”

  • Writer: Breakup Moveon
    Breakup Moveon
  • Jun 30, 2016
  • 1 min read

”MY HUSBAND IS SEXTING OTHER GIRLS”

Dear Move On 101,

One year na kaming kasal ng asawa kong si Gino. Kahit noong magsyota pa lang kami, napansin ko na ang hilig nya sa "sexting" o ang pagkikipagpalitan ng sexually explicit messages sa cellphone. Kahit nasa trabaho sya, minsan ay bigla na lang syang magpapadala ng malilibog na mensahe sa akin.

Wala naman akong reklamo sa ginagawa nya. Nakakaflatter pa nga kasi alam kong he desires me. Hinahayaan ko lang sya dahil alam kong it's making our relationship more exciting.

However, I eventually caught him sexting with other girls. Nagpapalitan sila ng nude pictures at mga bastos na usapan. Nagwala talaga ako. Ang pakiramdam ko he's cheating with me. He assured me that he's doing it for fun pero alam kong start na ito ng panloloko nya sa akin. Eventually makikipag-meet sya sa mga babaeng kausap nya.

Di pa kami naghihiwalay subalit nanlalamig na ako sa kanya. I really hate being cheated on pero gusto kong bigyan ng second chance si Gino. Tama ba ang desisyon ko?

--Sophie ‪#‎MoveOn101‬

 
 
 

Comments


Recent Posts
Blog Posts
Archive
Search By Tags
Follow Us
  • Facebook - Black Circle
  • Twitter - Black Circle
  • Instagram - Black Circle

Join our mailing list

Never miss an update

bottom of page