top of page
Search

”MY EX WANTS US TO BE FRIENDS… WITH BENEFITS”

  • Writer: Breakup Moveon
    Breakup Moveon
  • Jun 30, 2016
  • 1 min read

”MY EX WANTS US TO BE FRIENDS… WITH BENEFITS”

Dear Move On 101,

Maayos ang paghihiwalay namin ni Jay last month. We decided na di kami compatible at gusto naming bigyan ng space ang isa't isa. Two years ang aming relasyon at matagal din kaming nagka-live in kaya nakakapanibago. To be honest, pareho kaming di pa nakaka-move on.

Last week, dumaan si Jay ng condo para kunin ang ilang natitira nyang gamit at may nangyari sa amin. Inamin nya sa akin na may nililigawan na syang bago at biro nya, habang di pa sila, kung pwede raw muna kaming maging friends with benefits.

Aaminin kong nasaktan ako sa sinabi nya pero pumayag naman ako. Dalawang beses na syang dumalaw since then at walang ibang purpose kundi sex lang talaga. Pagkatapos ay umaalis agad sya, at nagta-thank you. Di na kami nag-uusap. Iniiwan nya akong malungkot at feeling empty. Pakiramdam ko, mas mahihirapan akong maglet go sa kanya lalo na kung magkaroon na sya ng bagong GF kapag ituloy namin ang aming ginagawa.

Naka-schedule syang bumalik mamaya at parang gusto ko nang i-cancel. Gusto ko naman ang nangyayari pero alam kong masasaktan lang ako lalo any time soon.

Anong dapat kong gawin?

--Winnie ‪#‎MoveOn101‬

 
 
 

Comments


Recent Posts
Blog Posts
Archive
Search By Tags
Follow Us
  • Facebook - Black Circle
  • Twitter - Black Circle
  • Instagram - Black Circle

Join our mailing list

Never miss an update

bottom of page