top of page
Search

“NAPIKOT ANG BOYFRIEND KO!”

  • Writer: Breakup Moveon
    Breakup Moveon
  • Jun 28, 2016
  • 1 min read

“NAPIKOT ANG BOYFRIEND KO!”

Dear Move On 101,

Three years na kami ng boyfriend kong si Jun at engaged na kami. Last month, nagpaalam sya sa akin na umuwi ng Bicol para pormal na magpaalam sa kanyang mga magulang na magpapakasal na kami. Masayang-masaya ako dahil matutupad na ang panaginip kong maging misis nya.

Pero naging bangungot ang lahat. Tumawag sya sa akin na umiiyak. Ayon sa kanya, napikot sya ng kapitbahay nyang matagal nang may gusto sa kanya. Na-setup daw. Niyaya syang makipag-inuman ng mga kapatid na lalaki at tatay ng babae at nang malasing sya, dinala sya sa kwarto nito. May nangyari sa kanila. Pinagbantaan sya na kung di nya pakakasalan ang babae ay idedemanda raw sya ng rape. Gusto nyang iwasan na maiskandalo ang pamilya nya kaya kahit masama ang loob nya, pumayag na syang magpakasal.

Kilala ko si Jun. Alam kong di sya nagsisinungaling. Pero di ko matanggap ang nangyari sa aming pag-iibigan. Paano na ako?

--Kathy ‪#‎MoveOn101‬

 
 
 

Comments


Recent Posts
Blog Posts
Archive
Search By Tags
Follow Us
  • Facebook - Black Circle
  • Twitter - Black Circle
  • Instagram - Black Circle

Join our mailing list

Never miss an update

bottom of page