ON AND OFF, ON AND OFF
- Breakup Moveon
- Jun 25, 2016
- 1 min read

“ON AND OFF, ON AND OFF”
Dear Move On 101,
Maikukumpara ko ang relasyon namin ng girlfriend kong si Gina sa switch-- palaging on and off.
We've been together for over three years. Sa simula pa lang ay lagi na kaming nag-aaway sa mga simpleng bagay kagaya ng kung saan kami kakain, anong sine ang panonoorin namin, o kung bagay sa kanya ang bagong bili nyang sapatos. Di ako mababaw na tao. Wala talaga akong issue sa katawan pero may paraan si Gina na dalhin sa away ang anumang usapan.
Madalas, di umaabot ng linggo ang breakup o cool off namin. Subalit last month, parang final na ang paghihiwalay namin. Ang dahilan, inaway nya ako sa harap ng mga kaibigan nya dahil sa ayokong magpasubo ng pagkain sa kanya! Pagkatapos nyang mag-iskandalo sa restaurant ay nagwalkout sya. She texted me na pagod na pagod na raw sya sa pakikipag-away ko sa kanya at di sya sigurado kung mahal ko talaga sya.
Ang pinakamasakit, hinahanap-hanap ko sya. Oo pati ang madalas na pagtatalo namin na naging bahagi na ng aming relasyon. Mahal na mahal ko si Gina pero di ko alam kung saan ako nagkulang sa kanya. Di ko talaga maintindahan ang utak ng mga babae kaya clueless ako kung ano ang gagawin ko.
I badly want her back.
--Roy
#MoveOn101
Comments