top of page
Search

NAGSIMULA SA TIKIMAN

  • Writer: Breakup Moveon
    Breakup Moveon
  • Jun 24, 2016
  • 1 min read

"NAGSIMULA SA TIKIMAN"

Dear Move On 101,

Sana'y wag akong husgahan ng mga tao sa aking kwento. Isa lamang akong pangkaraniwang babae na nagpaubaya sa bulong ng kasalanan.

Pareho na kaming may asawa nang magkakilala kami sa isang modeling project ni Kent. Wala pa akong anak samantalang sya naman at limang taon nang kasal at may dalawang anak. Instant ang sexual attraction namin sa isa't isa kaya on the same day, nagyayaan kaming magtikiman.

Naging madalas ang pagtatagpo namin. Pang-good time lang talaga noong una si Kent dahil magaling sya sa kama. Hanggang sa nagsimula kaming mag-away ng asawa ko dahil pinipilit nya akong mabuntis na. I started falling in love kay Kent at nagpasya akong makipaghiwalay sa aking mister.

Nagkamali ako ng desisyon. Nang sabihin ko ang balak kong magsama kami ni Kent ay agad itong nagalit sa akin. Minura nya ako. Ang sabi nya, sex lang talaga ang habol nya sa akin at akala nya ay ganun din lang ang gusto ko sa kanya. Wala raw syang balak na iwan ang kanyang pamilya. Mula noon ay di na sya nagparamdam.Durog na durog ako. Ang sakit talaga.

Patuloy pa rin kaming nagsasama ng asawa ko ngayon pero iba na ang laman ng puso. Sana'y matulungan nyo ako.

---Fiona

‪#‎MoveOn101‬

P.S. Sana may sense lang po ang mga advise. Wag namang bashing.

 
 
 

Comments


Recent Posts
Blog Posts
Archive
Search By Tags
Follow Us
  • Facebook - Black Circle
  • Twitter - Black Circle
  • Instagram - Black Circle

Join our mailing list

Never miss an update

bottom of page