PINAASA NYA AKO
- Breakup Moveon
- Jun 23, 2016
- 1 min read

"PINAASA NYA AKO”
Dear Move On 101,
Matagal na akong nanliligaw sa kababata kong si Karen. Sya ang puppy love ko na naging first love. Magkapitbahay kami at boto ang pareho naming mga magulang na magkatuluyan kami.
Pormal ko syang inaakyatan ng ligaw mula ng high school pa kami. I send her roses, chocolates, at love letters, nagdi-date at nagsisimba, at ginagawa ko ang lahat ng bagay na gusto nya para makuha ko ang loob nya. Di ako nagtatanong kay Karen kung kailan nya ako sasagutin. Ipinapakita naman nya kasi sa aking gusto rin nya ako at sinasabi nyang steady lang ako, maghintay pa ng kunti dahil di pa sya ready na pumasok sa isang relasyon.
Pero nasayang ang mahabang panahong paghihintay ko. Biglang nagkaroon si Karen ng boyfriend. Ang masakit, nakilala lang nya ito sa Facebook at di man lang umabot ng isang linggo ang kanilang pagliligawan.
Ilang linggo kong iniyak ang nangyari sa akin. Hanggang ngayon ay di ko matanggap na binalewala nya ako ng ganun-ganun lang.
Tulungan nyo akong mag-let go sa babaeng nagpaasa sa aking ibibigay ang puso nya mula pa nang pagkabata.
--Broken Romeo #MoveOn101
Comments