“I DIDN’T SEE IT COMING”
- Breakup Moveon
- Jun 21, 2016
- 1 min read

“I DIDN’T SEE IT COMING”
Dear Move On 101,
Ilang taon ko nang gusto si Joan bago ako nagkalakas ng loob maligaw sa kanya. Sya ang ideal woman ko-- maganda, confident, at matalino. Sya yung tipong mabubuhay na di kailangan ng lalaki.
Naging kami matapos ang ilang buwang panliligaw. Ako na ata ang naging pinakamasayang lalaki sa mundo sa oras na iyon. I gave her everything I have. Sa kanya ko ibinuhos ang oras ko. Walang date na di ko pinag-isipan at pinag-ipunan. Tiniyak kong she'll feel happy with me at di nya pagsisisihan na ako ang napili nya.
Last week, parang dinaanan ng lindol ang puso ko. She texted me that she needed time and space para pag-isipan ang lahat sa amin. She told me that I am too good to be true at di sya naniniwala sa mga ipinapakita ko sa kanya.
After that she didn't reply to my all texts and calls again. Kahapon, nalaman kong lumabas sila ng ex nya on a date. Natatakot akong that's a sign na wala na kami.
Anong gagawin ko? Dapat pa ba akong umasa?
-- Raymond #MoveOn101
Comments