“I WAS JUST TOO PARANOID”
- Breakup Moveon
- Jun 19, 2016
- 1 min read

“I WAS JUST TOO PARANOID”
Dear Move On 101,
Certified chickboy ang boylfriend ko. Alam ko dahil kahit na sila pa ng ex-girlfriend nya, nanliligaw na sya sa akin. Ibang babae rin ang naging cause ng breakup nila.
Kaya when nang sagutin ko sya, I asked him to promise me to never cheat. Mukha namang matino sya noong una hanggang nag-start na akong maghinala dahil palagi syang umaalis sa akin ng walang paalam. Nagdeny sya na nambababae sya pero dahil sa pakiramdam ko ay bumalik na sya sa old habits nya, I brokeup with him.
I wanted to know the truth so I made a fake account of a sexy girl and added him on Facebook. Ilang days bago nya ito in-add. Nakipagflirt ako sa kanya through my fake account and asked him why he was single. Doon ko nalaman kung gaano sya nasaktan nang iwan ko sya. Kahit na nagpapakita ng motibo ang aking fake account ay di nya ito pinatulan at sinabi nyang di pa sya ready to msee someone dahil mahal na mahal nya ako.
Di ako makapaniwala. Hiyang-hiya ako sa sarili ko for not giving him a chance pero I can't help but be paranoid dahil sa background nya.
Dapat ba akong makipagbalikan sa kanya?
--Flor #MoveOn101
Comments