”UNHAPPY WIFE MET HER SOULMATE”
- Breakup Moveon
- Jun 17, 2016
- 1 min read

”UNHAPPY WIFE MET HER SOULMATE”
Dear Move On 101,
I've been married for eight years now and I have two kids. I've been very unhappy with my life because of my husband is a serial womanizer. Worse, pinagbubuhatan nya ako ng kamay. Kung di dahil sa mga anak ko ay matagal ko na syang hiniwalayan.
Naging mas complicated ang buhay ko nang magkita kaming muli ni Gino, ang high school sweetheart ko. Nagmigrate sa Canada ang family nya after graduation kaya kami di nagkatuluyan. I consider him my soulmate. Nasa bansa sya dahil sa kanyang negosyo.
I started seeing Gino. Patakas ang lahat. Alam namin ang nararamdaman namin sa isa't isa kaya we made an effort na di kami ma-tempt. Ayokong gawin sa asawa ko ang ginagawa nya sa akin but I can't stop seeing my soulmate. Sya ang kaisa-isang nagpapasaya sa akin ngayon.
Naguguluhan ako. Gusto ko nang iwan ang asawa ko dahil wala nang dahilan para ipagpatuloy pa namin ang aming relasyon. Subalit paano ko ipapaliwanag sa aking pamilya at sa mga anak ko ang gagawin ko balang-araw?
Sana'y matulungan ninyo ako.
--Pinky #MoveOn101
Comments