”CAREER O LOVELIFE?”
- Breakup Moveon
- Jun 15, 2016
- 1 min read

”CAREER O LOVELIFE?”
Dear Move On 101,
Pangarap ko talagang pumasok sa showbiz pero never ako sumubok mag-audition o maghanap ng talent manager dahil priority ko ang aking studies. Selosa rin ang GF ko at di sya supportive sa mga plano ko.
A few weeks ago, palihim akong nag-audition sa isang reality show at natanggap naman ako. Tinanong ako ng producer ng show kung may GF ako at umamin naman akong meron. I was told that I should be single kaya dapat akong makipag-break up sa kanya at burahin ang lahat ng mga pictures at traces nya sa social media account ko. Kasama ang "no girlfriend policy" sa contract na pipirmahan ko para sa reality show.
I am confused. Alam kong masasaktan ang GF ko sa gagawin kong pagpili sa once in a lifetime na career kaya di madali ang lahat. Ayokong mawala sya sa akin pero sa ngayon ay mahalaga sa akin na matupad ang aking mga pangarap...
--Vince #MoveOn101
Comments