top of page
Search

”MY BOYFRIEND HAS A GAY SPONSOR”

  • Writer: Breakup Moveon
    Breakup Moveon
  • Jun 14, 2016
  • 1 min read

”MY BOYFRIEND HAS A GAY SPONSOR”

Dear Move On 101,

Nakilala ko si Allan sa isang party kasama ng mga kasamahan nyang basketball players sa pinapasukan nilang school. Malakas ang dating nya-- pogi, maganda ang katawan, at talagang nakaka-turn on ang taas nyang 6'4." After a few dates, naging kami.

Minsan, biniro ako ng kaibigan kong babae tungkol sa mga chismis na kadalasan sa poging basketball player ay may gay "sponsors" o mga mayayamang beki na nagbibigay sa kanila ng pera. Kinabahan na ako.

Bigla kong naalala ang sinabi na ito ng kabigan ko nang sumama ako sa birthday ng mom ni Allan sa bahay nila Taguig. Doon ko lang napagtagpi-tagpi ang lahat. Mahirap lang sila at, kahit estudyante pa si Allan, siya ang tumatayong breadwinner ng pamilya.

I asked my boyfriend kung saan sya kumukuha ng perang ibinibigay sa pamilya, pangrenta ng condo, ng mga mamahaling gamit at sapatos, at dates namin. Ang sabi nya may allowance daw sila sa school. Nang ipagtanong ko, nalaman kong 5K lamang ang monthly allowance nila at di ito sapat para sa lahat ng meron sya.

I love Allan but di ko ma-take na nakikipagsex sya sa kapwa nya lalaki for a price. Nandidiri ako sa idea that I get intimate with him after he had sex with his gay benefactors. Alam ko namang unfair na patigilin ko sya sapagkat may pamilyang umaasa sa kanya. What should I do?

--Lovey ‪#‎MoveOn101‬

 
 
 

Comments


Recent Posts
Blog Posts
Archive
Search By Tags
Follow Us
  • Facebook - Black Circle
  • Twitter - Black Circle
  • Instagram - Black Circle

Join our mailing list

Never miss an update

bottom of page