“MY GIRLFRIEND IS A NAGGER!”
- Breakup Moveon
- Jun 12, 2016
- 1 min read

“MY GIRLFRIEND IS A NAGGER!”
Dear Move On 101,
Ngayon ko lang na-realize na di pala sapat ang pag-ibig para ipaglaban ang isang relasyon. Kahit na gaano mo kamahal ang isang tao, bibitaw at bibitaw ka kapag di mo kinaya ang kanyang ugali.
My girlfriend is a nagger. Nagsimula iyon nang mahuli nya akong ka-text ang ex ko. Swear to God nagkukumustahan lang kami but she made a big issue out of it! Kinalkal na nya ang lahat ng nangyari sa past at lumabas kung gaano sya ka-insecure sa ex ko.
Naging hobby na nyang mag-nag after that incident. Di ako makatext dahil sa busy sa office means a whole night na puputak sya. Ma-late ako ng ilang minuto sa date namin, walang katapusang guilt tripping kung paano ko pinaghintay. Busy ang phone ko, paghihinalaan nya akong kausap ko ang ex ko o di kaya'y nambababae ako.
Walang katapusan ang pagna-nag nya so I decided to leave her tonight. Di ko na talaga kaya ang ugali nya... kahit mahal na mahal ko sya...
--Gino #MoveOn101
Comments