“LOVING FROM A DISTANCE”
- Breakup Moveon
- Jun 10, 2016
- 1 min read

“LOVING FROM A DISTANCE”
Dear Move On 101,
Matagal na akong may malalim na pagtingin sa classmate kong si Jimmy. He's a campus heartthrob-- isang magaling na dancer, commercial model, at honor student.
I am my batch's top student. Maraming nagsasabing maganda ako but I really don't focus on my physical beauty. Mas importante sa akin ang pag-aaral.
Ilang beses ko nang narinig na may gusto sa akin si Jimmy but di ko inintindi until one day, he started making small moves. Nagparamdam sya na special ako sa kanya. He'll wait for me para sabay kaming kumain ng lunch. Hinahatid nya ako sa bahay. Nagtitext sya ng mga sweet nothings.
Natakot ako. Kung nanliligaw na sya at sya ang unang lalaking gumawa sa akin noon. Natakot ako na baka masira ang concentration ko sa studies ko at kung anong sasabihin sa akin ng parents ko. Natakot ako sa tuksuhan sa campus. I am not prepared sa ganung attention kaya iniwasan ko sya. I drove him away kahit deep inside gustong-gusto ko sya.
This summer, nabalitaan ko that he and another classmate are now an item. Ang sakit. I cried so hard and regretted my decision to push him away.
Eto ang aking first heartbreak ang I don't know what to do to move on. I hope your readers can give me advise...
--Gigi #MoveOn101
Comentários