“HE CAN'T ACCEPT MY DIRTY PAST”
- Jun 6, 2016
- 1 min read

“HE CAN'T ACCEPT MY DIRTY PAST”
Dear Move On 101,
May madilim akong nakaraan na matagal kong itinago. Di ko akalaing sisingaw at sisingaw ang baho ko sa tamang panahon. Ang masaklap, kung kailan ko pa nakilala ang lalaking handa akong pakasalan.
Dati akong GRO sa isang night club. At gaya ng mga kasamahan ko, nagpapatake-out ako para magkaroon ako ng extrang cash. Nag-aaral ako noon at wala akong ibang mapagkukunan ng pangtustos sa eskwela at tuition kaya ibinenta ko ang akin laman.
Nagkaroon ako ng maayos na trabaho at nakilala ko si Carlo. Nagmahalan kami at nagbalak nang magpakasal. Subalit di na ako umabot sa simbahan. Nalaman ni Carlo mula sa isang family friend na dati kong customer ang aking nakaraan.
Nagwala si Carlo. Minura nya ako, sinaktan, at iniwan. Pakiramdam ko ay napakarumi kong babae at wala akong kwenta nang iwanan nya ako.
Hanggang ngayon ay mahal ko si Carlo subalit may iba na syang kinakasama. Wala pa rin kaming maayos na closure kaya di ako maka-move on. Gabi-gabi kong ipinagdarasal na mapatawad nya ako at bumalik sya sa akin.
--Laura #MoveOn101








































Comments