“MY EX GF SHARES EVERYTHING ON SOCIAL MEDIA”
- Breakup Moveon
- May 31, 2016
- 1 min read

“MY EX GF SHARES EVERYTHING ON SOCIAL MEDIA”
Dear Move On 101,
Isa sa madalas na causes ng away namin ng ex-GF ko ay ang sakit nya sa social media. Lahat na lang ng bagay na nangyayari sa amin ay ginagawa nyang status-- ang mga dates namin, ang mga regalo ko, ang away namin, ang pagiging late ko madalas, at pati ba naman ang nangyayari sa amin sa kama! (Oo, tang ina di ba?)
Napapahiya ako sa mga kaibigan at kakilala dahil kadalasan ay pangit ang mga pino-posts nya. Hanggang sa di ko na kinaya at tuluyan na akong nakipaghiwayan sa kanya.
Pero hindi pa natapos ang problema ko. Blow by blow nya ginawang status sa FB kung paano ako nakipaghiwalay sa kanya, kung anong mga issues nya sa akin, kung ano ang mga pagkukulang ko (pati ang pagkukulang ng aking pagkalalaki). Lahat na lang. Wala nang tinirang kahihiyan.
Gusto ko nang mag-move on. Ilang beses ko na syang kinausap pero ini-screengrab pa nya at pinopost ang mga pakiusap ko. May magagawa ba akong paraan--kahit na legal-- para di na nya ako guluhin?
--Jobert #MoveOn101
Comentarios