“I REGRET CHEATING ON HER”
- Breakup Moveon
- May 30, 2016
- 1 min read

“I REGRET CHEATING ON HER”
Dear Move On 101,
Minsan, may ginagawa tayong mga pagkakamali na nagiging dahilan kung bakit tuluyang nawawala sa atin ang taong pinakamamahal natin.
In my case, I cheated. Di minsan kundi paulit-ulit sa napakabait kong GF. Nang unang beses nya akong nahuli ay pinatawad nya ako kaya lumakas lalo ang loob ko na kahit ulitin ko ay di ito makakaapekto ng aming relasyon.
Wala akong minahal sa lahat ng babaeng ginalaw ko. Sex lang talaga. Pag-aari ng GF ko ang puso ko at malinaw sa akin iyon.
Two months ago ay nahuli nya ako nang mabasa nya ang usapan namin ng isa kong chicks sa FB. Nasaktan sya at tuluyan na nya akong iniwan. She deleted her FB, changed her number, at umalis sya sa inuupahan nyang bahay. Nalaman ko kahapon sa kaibigan namin na bukas na ang alis nya para magtrabaho sa Dubai at wala na talaga syang balak na makipag-ayos sa akin.
Mahal na mahal ko sya. I regret cheating on her pero huli na ang lahat...
--Mike
#MoveOn101
Comentários