“HE JUST USED ME AS A REBOUND GF”
- Breakup Moveon
- May 29, 2016
- 1 min read

“HE JUST USED ME AS A REBOUND GF”
Dear Move On 101,
Matagal ko nang crush si Ramil at natutukso kami sa office. Pero may girlfriend sya noon kaya di pwede. Nabaling ang loob nya sa akin last month nang maghiwalay sila. Nagtapat sya ng pag-ibig at sinabi nyang matagal na nya akong gusto pero wala syang ginawa dahil ayaw nyang magkasala sa kanilang relasyon. Wala nang ligawang nangyari. Naging kami agad.
Subalit last Friday, nakipagbreak sa akin si Ramil dahil magbabalikan daw sila ng ex nya. Nasaktan ako at tinanong ko kung minahal nya talaga ako. Humingi sya ng tawad at inamin na sinubukan nya akong mahalin para lamang limutan ang ex nya.
Napakasakit isipin na ginamit lang nya ako bilang rebound. Mahal na mahal ko sya at gusto kong ipaglaban ang aming relasyon. Dapat ba o hindi?
--Cindy #MoveOn101
Comments