DON'T OVERSHARE YOUR BREAKUP STORY ON SOCIAL MEDIA!
- Breakup Moveon
- May 18, 2016
- 1 min read

DON'T OVERSHARE YOUR BREAKUP STORY ON SOCIAL MEDIA!
Tama, ang una mong gawin pagkatapos ng hiwalayan ay mag-share ng nararamdaman mo sa social media accounts mo.
Agad-agad gawing status kung paano ka nya ipinagpalit sa iba, kung anong mga kasinungalingang at pangagagong ginawa nya, ang lahat ng detalye kung paano kayo nagbreak, kung anong mga sacrifices at katangahan ang ginawa mo para magwork ang relationship nyo, kung magkano nagastos mo sa pagpapalaki ng boobs mo para lang maging proud syang irampa ka.
Sige, talunin mo ang Dolce Amore at Probinsyano sa ratings. Agawan mo sila ng eksena ng mga kagagahan mo. Gawin mong viral ang sakit ng loob mo. Wag kang huminto hangga't di mo pa nakakalkal lahat-- as in lahat-lahat!
At pagkatapos mong mahimasmasan, marerealize mo na pinagtatawanan ka na ng mundo. Wala palang may concern talaga sa breakup mo. Mas interesado silang pagtsismisan ang posts mo.
Yorumlar