top of page
Search

AVOID CONTACT WITH YOUR EX!

  • Writer: Breakup Moveon
    Breakup Moveon
  • May 9, 2016
  • 1 min read

AVOID CONTACT WITH YOU EX! Gusto mong magmove on pero tawag ka nang tawag kay ex. Hello, wala na nga kayo di ba?

May dalawang pangit na effects ang patuloy na pakikipagchikahan kay ex:

a. Nagiging fresh ang pain. Imbis na nagkakalimutan na, nahahalukay pa ang mga old issues at ang mapait na causes ng inyong breakup. Unless talagang masokista ka, stop na teh!

b. Napapapahopya ka na magkakabalikan kayo. Nami-misinterpret mo ang pagiging nice o courteous nya sa iyo as "sweetness." Pagkatapos nyong mag-usap, may-i flashback sa utak mo ang happy days nyo. Tapos iiyak ka na naman.

If I were you, cut all forms of communications muna kay ex. Mas madali mo syang makakalimutan at mas madali kang maghi-heal kapag di mo sya nakakausap o ini-stalk sa social media.

Kung unavoidable dahil officemates or classmates kayo o kaya may importante kayong dapat pag-usapan (lalo na kung married kayo at may kids involved), just be civil. Isang tanong, isang sagot lang.

 
 
 

Comments


Recent Posts
Blog Posts
Archive
Search By Tags
Follow Us
  • Facebook - Black Circle
  • Twitter - Black Circle
  • Instagram - Black Circle

Join our mailing list

Never miss an update

bottom of page